Weblog

Friday, 13 November 2009

  • Crystal Ball

    WRITTEN LAST NOVEMBER 11, 2009.

    Sa wakas! Nakapagpahula na ako! Hahaha! Kanina lang kasi nagtataqnong na ako papano pumunta ng UP Manila kasi dun daw may manghuhula. Akalain mong siya na ang lumapit saken! Pagkatanong ng lola ko sa nanay ko kung gusto niyang magpahula sa “walk-in” na manghuhula, ako kaagad ang sumagot ng “Ako gusto ko!” O eh pinapangarap ko kasing makapagpahula. Hahaha! Pero wag kang mag-alala, na kay God pa rin naman yung faith ko. Gusto ko lang ma-try kumbaga. Experience.


    Actually, 80% ng mga sinabi niya sa akin e totoo. Wala akong sinabi na kung anuman tungkol sa sarili ko. Basta hinawakan ko lang yung bolang kristal na dala niya at boom! Ayun na. May tama, may mali. At may mga nakakatawang hula pa. Haha!


    Ililista ko dito yung mga hula sa akin. Alam mo na, makakalimutin akong bata. Malay mo pag nag-backread ako, maco-confirm ko kung tama yung hinula sa aken o sadyang barbero lang talaga siya.


    • Mahaba daw ang buhay ko pero mag-ingat daw ako sa tubig. Signos ko daw yun. At may second life daw ako. – So naniniwala ako dito. Kahit ako sa sarili ko naniniwala akong tubig ang ikamamatay ko. Kung gusto mo akong patayin ng walang kahirap-hirap, ihagis mo lang ako sa 6ft swimming pool. Magmumuka akong daga na kakawag-kawag kapag nilulunod. At oo nagkaroon na ako ng second life. Sa tingin ko e yun yung nalunod ako sa 6ft swimming pool nung mga 5’1” pa lang ang height ko. Hahaha! Tado kasi yung pinsan ko e. Tinuturuan akong lumangoy. Sa 6ft daw kami para matuto ako lumangoy. Nung lumangoy ako papunta sa kanya, hindi ba naman ako sinalo! Kung hindi ako niligtas ng tita ko, malamang talaga dedz na me. Napa- “Shit!” nga ako kasi nagamit ko nap ala yung second life ko. Hahaha! At yan ang history ng phobia ko sa tubig. Bow.

    • Love affairs. Meron daw na taong type na type daw ako pero hindi ko naman daw siya type OR! Crush ko siya pero hindi ako into him. – A eh si BB ang unang pumasok sa utak ko. Hahaha! Pero dahil sa ayoko na ngang mag-assume, kelangan ko pa rin i-confirm to. Hehe. Tapos yung isa eh long time friend na itatago na lang natin sa pangalang Mr. Bean. HAHAHA! Tapos may sinasabi pa sa akin yung pinsan ko na Dunhill na hindi ko naman kilala pero natatandaan kong in-add nya ako sa facebook pero dahil sa loser ang photographic memory ko eh hindi ko maalala ang muka niya.

    • Hindi daw ako medaling mahulog sa matatamis na salita. Na hindi daw ako madaling magtiwala. At kung nagawa mo man akong magtitiwala sayo eh bigay todo. – Ok fine. Partly true. Haha!

    • Na ang kapal ng muka ko dahil binibilang ko kung sino ang mga nagkakagusto sa akin. – Ok hindi niya sinabi na makapal muka ko pero HOY! Kasama ko si Anne nung nagbilang kami ng boylets!!!

    • Na aggressive daw ako. Na kung magkakaron man ako ng relationship eh hindi ako yung tipo na magpapasailalim sa lalaki. – Though wala pa akong formal relationship, nasa utak ko na na ito nga ang mangyayare sa akin. Hahaha!

    • Tamad daw ako. Na meron daw akong maniana habit. – Oo. Sabe din yan ng nunal ko sa likod.

    • PERO! Kapag naman gumawa ako, tuloy-tuloy naman. - =)

    • Moody daw ako. – O eh slight lang naman.

    • PANGRAP KO DAW MAGING COMMERCIAL MODEL! – Modelo ang pangarap ko pero pwede na rin to! Hahaha!

    • Wag daw akong nagpapautang dahil hindi nababayaran. – Hahaha!

    • Na kapag nagsisimba daw ako e madalas lumilipad ang utak ko. – Sorry po talaga God. Pinipilit ko talaga mag-focus! Lintik na attention span kasi to! 10minutes!


    O eh eto daw yung mga mangyayari sa akin:

    • Kung hindi daw ako mag-iingat, mabubuntis daw ako tapos hindi papakasalan. At kung hindi daw ako nag-ingat nung from 17 y/o – 20 y/o, mabubntis daw ako. – O eh hello? WALA NGA AKONG BOYPS E!!!

    • Magiging professional daw ako. Wag lang daw akong magulo mag-isip. Hintayin ko daw munang maging successful ako sa isang bagay bago ako sumubok ng iba. – Feeling ko e tinutukoy ditto yung plano ko na 10years lang ako magnu-nurse at magiging pastry chef ako pagkatapos at magtatayo ng pastry shop. =)

    • Na dapat daw e kung magmamahal ako e kelangan daw yung lalaki ang mas magmamahal sa akin kesa ako. Na 4 daw ang magiging anak ko. Magiging maunlad daw ang business ko kapag gumugulong sa lupa yung business (swear yung unang pumasok sa utak ko e bowling business. Nung sinabi lang niya na jeepney or taxi company tsaka ko naisip na sumasayad din pala sa lupa yung mga yun. Hahaha!) at yung mapapangasawa ko daw e galling sa malayong lugar (foreiger or basta malayo!) at merong 5 letra sa pangalan (naisip ko kagad si just-so-you-know. Sakto e. Hahaha!)

    • Magiging successful daw ako. Makakapag-abroad. Pati mga anak ko. At ang pinakamalayo ko dawn a pupuntahan e London. – Posible. DAHIL GUSTO KO PUMUNTA SA PARIS! Magkalapit naman ata yun diba? Hahaha!

    • Na hindi lang daw ako tatabo ng pero kundi PAPALA AKO NG PERA! Hahaha!

    • Na meron daw mga tao sa paligid ko na may lihim na galit o inggit o nampla-plastic sa akin. – Nararamdaman ko to lalo na yung mga nampla-plastic saken. At sigurado akong hindi kasali dun ang Gfs ko. =)

    • Ang lucky color ko daw e fuschia at ang lucky number ko daw e 16, 9 at 5. Sayang hindi niya nasabi yung lucky day. HAHAHAHA!


    So ayan na. Pero tinanong ko sa kanya kung ano yung ibig sabihin ng mga panaginp ko. Pero hindi ako satisfied sa sagot niya. Mas accurate pa yung www.dreammoods.com. Hahaha! At hindi ko rin masabi yung detalyadong kwento ng panaginip ko sa kanya kasi andaming nanonood! Hahaha!

    P.S
    Medyo barbero yung hula sa nanay ko. Mga 65% true lang yung kanya. Hahaha!

    BAKET GANITO XANGA NGAYON? DI AKO MAKAPAG-EDIT NG FONTS!!!

    12164_171468342438_778767438_2704077_4764911_n
    Ondoy survivors. Harap ko lang ang hindi basa kasi sa harap ko ko nilagay yung bag ko. Hahaha!

Saturday, 24 October 2009

  • Darna!

    Habang nakatayo, pinapanood yung showdown ng mga nagsasayaw sa SM Manila, at habang hinihintay sila Karla kasi nawawala ako sa SM Manila (loser shet. Sa laki kong to nawawala pa ako! Hahaha!)...

    Ale: Miss pwede kang talent. Gusto mo mag-audition?
    Ako: (May nakasaksak na iPod sa tenga) *Smiles. Ano ho ulit?
    Ale: Pwede kang talent. Gusto mo mag-audition sa Darna?
    Ako: A e hindi po. Ok lang po.
    Ale: Ayaw mo? Sayang!
    Ako: (Naisip kong masasabi ko na kay Karlo na "In your face! Sabe ko sayo magiging model ako e! At tutuparin ko yung sinabe kong hindi kita kikilalanin kapag sikat na ako!") Hindi po e.
    Ale: Sayang. Pwede ka e.
    Ako: Smiles. =)


    Iniisip ko kung anong role ko sa Darna if ever. Siguro isa ako sa mga taong tatakbo kapag dumating na yung kalaban ni Darna. Hahaha!


    Alam mo kung hindi ako nursing student, baka kinagat ko yun.
    Kaso naisip ko din baka fake yun e. Hahaha!

Thursday, 22 October 2009

  • The Secret.

    I FREAKIN' PASSED MY ORAL REVALIDA!


    MAKES ME WANNA DANCE!



    Alam mo sobrang effective yung "The Secret" eh. Sabi ko kasi nung simula pa lang, "I WILL PASS ORAL REVALIDA" imbes na "I hope to pass oral revalida". Mas malakas ang impact ng "will" sa "hope". =)

    Konsensya ko:
    Neng wag masyadong magsaya. May finals ka pa bukas. At ang kapal ng muka mo para umupo sa harap ng PC at tinigilan ang pagre-review!
    Raechelle: Sabaw na utak ko!!! Ayaw na niya! Lintik na mga gamot yan. Pinanghihinaan ako ng loob sa dami!
    Konsensya ko: Bahala ka sa buhay mo.

Monday, 19 October 2009

  • Flight of ideas.

    Flight of ideas: a nearly continuous flow of rapid speech that jumps from topic to topic.

    Alam mo dapat nag-aaral ako ngayon e. Oral Revalida namin sa 22. Dapat mag-aral ako ng 69 na sakit. Tapos bubunot ako ng isa dun, idi-discuss ko yung case kasama ang pathophysiology at 2 priority nursing diagnosis pati mga nursing interventions. Alam mo mukang madali lang yan pero mahirap talaga. Ewan ko ba baket hindi ko pa tinutuloy yung pag-aaral ko e 3 sakit na lang naman yung kulang ko. Pero ang mas malaking problema kasi, nalilimutan ko na yung ibang sakit. Hahaha

    Nagpunta ako sa pad ni Kamille nung isang araw, Saturday. Ayoko kasi umuwi kasi badtrip ako sa bahay. Tapos kasama ko din si Izzy. Napagusapan namin yung The Ugly Truth at He's Not Just That Into You. Sabi ni Izzy, dapat daw maging masaya ako kung minahal man ako ng isang tao kahit hindi/wala ako nung mga qualifications na hinahanap nung guy sa isang girl. Ibig sabihin daw nun, sobrang mahal ako nung guy para i-set aside nya yung qualifications nyang yun para sa akin. Hindi naman ako tinamaan. Pero naisip ko napakaswerte nga ng lalaking mamahalin ko na wala sa qualifications ko. Antaas kasi ng qualifications ko. =p

    Alam mo na-aadik ako sa Hello Panda at Choco Mallows ngayon. Kaya nauubos ang pera ko.

    At wala akong ipon para sa sembreak. Dahil napakagastadora ko.

    May nakita akong sapatos na ukay-ukay. Matagal na kasi akong naghahanap ng white pumps/heels. Akalain mong dun lang ako makakakita! Kaso hindi ko pa binibili. Bukod sa wala pa akong pera, sabe ko premyo ko yun sa sarili ko kapag natapos ko na ang Oral Revalida ng pasado at nakapag-review na ako ng matino sa finals.

    Gusto ko mag-shopping kaso wala akong pera. Ang hirap ng walang pera!  Gusto ko ng bagong skirt, military jacket, sapatos, shirt, blouse, pants, lip gloss at brush pero hindi ko mabili.

    Hindi ko pa napapalitan yung nawala kong payong. Yun yung payong na pinahiram saken ni Kuya Pinlan nung Ondoy. Hahaha!

    At may naisip na pala ako na pang-creative shot para sa school. Kaso ayoko munang sabihin. Bukod sa hindi pa ako pumapasa ngayong sem, baka may manggaya. HAHAHA!

    Na-realize ko na masaya ako kahit wala akong boyps. Hindi ko na siya masyadong iniisip. Masyado kasi akong masaya nitong mga nakaraang araw. =)

    Feeling ko may tampo sa akin yung isa kong kabarkada, si Cherry. Gusto ko siyang kamustahin kaso busy ako Pero ano bang klaseng kaibigan ako kung hindi ko man lang maisantabi kahit sandali ang mga gawain ko para sa isang kaibigan na lagi naman anjan para sa aken. Teka eto na nga at mai-text!

    Alam mo natutunaw talaga ako pag nakikita kong nakangiti si Enchong. I melt for killer smiles. ♥♥♥

    Tas alam mo si Pido? Yunc crush kong 2nd year? Napakalakas ng pakiramdam ko na alam niya talagang crush ko siya. Isa pa yun e. Napapangiti na lang talaga ako kapag nakikita ko yun. As in automatic! May kanta nga ako dun e. Yung Ewan Ko ng Soapdish. Hahaha!



    MusicPlaylist
    MySpace Playlist at MixPod.com


    Alam ko na yung sagot sa tanong ko na bakit puro paramdam lang yung ibang lalaki at hindi nagpu-pursue sa panliligaw. HE'S NOT JUST THAT INTO YOU. Read that in BIG, BLOCKY LETTERS. Oh well wala na akong pakielam. Hindi ko loss. Haha! Nyeta gasgas na linya. Hahaha!

    Sabe ko ayoko sa mga promise breakers. Pero guess what, isa pala ako dun. Nahihirapan akong tuparin yung promise ko kay God na 9 consecutive Sundays na pagsisimba. Ewan ko ba kung bakit nahihirapan akong mag-simba. Take note: nasa tapat lang ng bahay namin yung simbahan. LITERAL NA TAPAT!

    At kinain ko na rin pala yung panata ko dati na ayoko ng blush on. Blush on is ♥ na. Hahaha! Pero napansin ko allergic ata ako sa eye make up. Nangangati talaga mata ko e.

    Epal yung kakilala namin na SI (senior intern) ngayon. Nung 3rd year kami JI (junior intern) lang yun e. Mabait pa yun nung JI pa siya. Friend ko pa nga yun sa Friendster e. Nung naging SI kala mo kung sino, hindi na namamansin. Samantalang dati siya pa unang papansin samin. Hoy! Hindi ka magiging SI kung hindi dahil sa input and ouput na hinihingi mo samen no! HAHAHA! Hindi ako bitter. Naiinis lang ako sa mga taong hindi marunong lumingon sa kanyang pinanggalingan. Now I know what that phrase means. Haha!


    Siguro dapat tapusin ko na to kasi mag-aaral pa ako no? Hahaha! Wish me luck.
    And a little bit or perseverance. HAHAHA! =)

Tuesday, 06 October 2009

  • Surprise!

    From this...


    To this!






    Paparating na si Pepeng nung nagpa-rebond kami ng nanay ko. Nung Friday yan, October 2. Haha!

pReTTy_rAeCheLLe

  • Visit pReTTy_rAeCheLLe's Xanga Site
    • Name: Raechelle
    • Country: Philippines
    • Metro: Manila
    • Gender: Female
    • Member Since: 2/3/2005

Weblog Archives

Don't worry - your calendar is here… to see it in action just click "Save" above and refresh the page.