Weblog

Saturday, 24 October 2009

  • Darna!

    Habang nakatayo, pinapanood yung showdown ng mga nagsasayaw sa SM Manila, at habang hinihintay sila Karla kasi nawawala ako sa SM Manila (loser shet. Sa laki kong to nawawala pa ako! Hahaha!)...

    Ale: Miss pwede kang talent. Gusto mo mag-audition?
    Ako: (May nakasaksak na iPod sa tenga) *Smiles. Ano ho ulit?
    Ale: Pwede kang talent. Gusto mo mag-audition sa Darna?
    Ako: A e hindi po. Ok lang po.
    Ale: Ayaw mo? Sayang!
    Ako: (Naisip kong masasabi ko na kay Karlo na "In your face! Sabe ko sayo magiging model ako e! At tutuparin ko yung sinabe kong hindi kita kikilalanin kapag sikat na ako!") Hindi po e.
    Ale: Sayang. Pwede ka e.
    Ako: Smiles. =)


    Iniisip ko kung anong role ko sa Darna if ever. Siguro isa ako sa mga taong tatakbo kapag dumating na yung kalaban ni Darna. Hahaha!


    Alam mo kung hindi ako nursing student, baka kinagat ko yun.
    Kaso naisip ko din baka fake yun e. Hahaha!

Thursday, 22 October 2009

  • The Secret.

    I FREAKIN' PASSED MY ORAL REVALIDA!


    MAKES ME WANNA DANCE!



    Alam mo sobrang effective yung "The Secret" eh. Sabi ko kasi nung simula pa lang, "I WILL PASS ORAL REVALIDA" imbes na "I hope to pass oral revalida". Mas malakas ang impact ng "will" sa "hope". =)

    Konsensya ko:
    Neng wag masyadong magsaya. May finals ka pa bukas. At ang kapal ng muka mo para umupo sa harap ng PC at tinigilan ang pagre-review!
    Raechelle: Sabaw na utak ko!!! Ayaw na niya! Lintik na mga gamot yan. Pinanghihinaan ako ng loob sa dami!
    Konsensya ko: Bahala ka sa buhay mo.

Monday, 19 October 2009

  • Flight of ideas.

    Flight of ideas: a nearly continuous flow of rapid speech that jumps from topic to topic.

    Alam mo dapat nag-aaral ako ngayon e. Oral Revalida namin sa 22. Dapat mag-aral ako ng 69 na sakit. Tapos bubunot ako ng isa dun, idi-discuss ko yung case kasama ang pathophysiology at 2 priority nursing diagnosis pati mga nursing interventions. Alam mo mukang madali lang yan pero mahirap talaga. Ewan ko ba baket hindi ko pa tinutuloy yung pag-aaral ko e 3 sakit na lang naman yung kulang ko. Pero ang mas malaking problema kasi, nalilimutan ko na yung ibang sakit. Hahaha

    Nagpunta ako sa pad ni Kamille nung isang araw, Saturday. Ayoko kasi umuwi kasi badtrip ako sa bahay. Tapos kasama ko din si Izzy. Napagusapan namin yung The Ugly Truth at He's Not Just That Into You. Sabi ni Izzy, dapat daw maging masaya ako kung minahal man ako ng isang tao kahit hindi/wala ako nung mga qualifications na hinahanap nung guy sa isang girl. Ibig sabihin daw nun, sobrang mahal ako nung guy para i-set aside nya yung qualifications nyang yun para sa akin. Hindi naman ako tinamaan. Pero naisip ko napakaswerte nga ng lalaking mamahalin ko na wala sa qualifications ko. Antaas kasi ng qualifications ko. =p

    Alam mo na-aadik ako sa Hello Panda at Choco Mallows ngayon. Kaya nauubos ang pera ko.

    At wala akong ipon para sa sembreak. Dahil napakagastadora ko.

    May nakita akong sapatos na ukay-ukay. Matagal na kasi akong naghahanap ng white pumps/heels. Akalain mong dun lang ako makakakita! Kaso hindi ko pa binibili. Bukod sa wala pa akong pera, sabe ko premyo ko yun sa sarili ko kapag natapos ko na ang Oral Revalida ng pasado at nakapag-review na ako ng matino sa finals.

    Gusto ko mag-shopping kaso wala akong pera. Ang hirap ng walang pera!  Gusto ko ng bagong skirt, military jacket, sapatos, shirt, blouse, pants, lip gloss at brush pero hindi ko mabili.

    Hindi ko pa napapalitan yung nawala kong payong. Yun yung payong na pinahiram saken ni Kuya Pinlan nung Ondoy. Hahaha!

    At may naisip na pala ako na pang-creative shot para sa school. Kaso ayoko munang sabihin. Bukod sa hindi pa ako pumapasa ngayong sem, baka may manggaya. HAHAHA!

    Na-realize ko na masaya ako kahit wala akong boyps. Hindi ko na siya masyadong iniisip. Masyado kasi akong masaya nitong mga nakaraang araw. =)

    Feeling ko may tampo sa akin yung isa kong kabarkada, si Cherry. Gusto ko siyang kamustahin kaso busy ako Pero ano bang klaseng kaibigan ako kung hindi ko man lang maisantabi kahit sandali ang mga gawain ko para sa isang kaibigan na lagi naman anjan para sa aken. Teka eto na nga at mai-text!

    Alam mo natutunaw talaga ako pag nakikita kong nakangiti si Enchong. I melt for killer smiles. ♥♥♥

    Tas alam mo si Pido? Yunc crush kong 2nd year? Napakalakas ng pakiramdam ko na alam niya talagang crush ko siya. Isa pa yun e. Napapangiti na lang talaga ako kapag nakikita ko yun. As in automatic! May kanta nga ako dun e. Yung Ewan Ko ng Soapdish. Hahaha!



    MusicPlaylist
    MySpace Playlist at MixPod.com


    Alam ko na yung sagot sa tanong ko na bakit puro paramdam lang yung ibang lalaki at hindi nagpu-pursue sa panliligaw. HE'S NOT JUST THAT INTO YOU. Read that in BIG, BLOCKY LETTERS. Oh well wala na akong pakielam. Hindi ko loss. Haha! Nyeta gasgas na linya. Hahaha!

    Sabe ko ayoko sa mga promise breakers. Pero guess what, isa pala ako dun. Nahihirapan akong tuparin yung promise ko kay God na 9 consecutive Sundays na pagsisimba. Ewan ko ba kung bakit nahihirapan akong mag-simba. Take note: nasa tapat lang ng bahay namin yung simbahan. LITERAL NA TAPAT!

    At kinain ko na rin pala yung panata ko dati na ayoko ng blush on. Blush on is ♥ na. Hahaha! Pero napansin ko allergic ata ako sa eye make up. Nangangati talaga mata ko e.

    Epal yung kakilala namin na SI (senior intern) ngayon. Nung 3rd year kami JI (junior intern) lang yun e. Mabait pa yun nung JI pa siya. Friend ko pa nga yun sa Friendster e. Nung naging SI kala mo kung sino, hindi na namamansin. Samantalang dati siya pa unang papansin samin. Hoy! Hindi ka magiging SI kung hindi dahil sa input and ouput na hinihingi mo samen no! HAHAHA! Hindi ako bitter. Naiinis lang ako sa mga taong hindi marunong lumingon sa kanyang pinanggalingan. Now I know what that phrase means. Haha!


    Siguro dapat tapusin ko na to kasi mag-aaral pa ako no? Hahaha! Wish me luck.
    And a little bit or perseverance. HAHAHA! =)

Tuesday, 06 October 2009

  • Surprise!

    From this...


    To this!






    Paparating na si Pepeng nung nagpa-rebond kami ng nanay ko. Nung Friday yan, October 2. Haha!

  • For the first time...

    I wanted the rain to stop from falling last September 26, 2009.

    *Ang entry na ito ay tungkol sa experience ko nung Saturday, kasagsagan ng bagyong Ondoy. Medyo mahaba I tell you. Haha! Libre kang wag na magpatuloy sa pagbabasa. Hehe. =) At kung napagpasyahan mo namang magpatuloy, a e sorry sa mga typo. Hahaha!

    Ang pag-uwi ko mula school hanggang bahay, inabot ng 2 oras samantalang ang normal na biyahe ko ay 15 minutes lang. 10 minutes pa nga pag naghahapit ako ng oras dahil sa malapit na akong ma-late pag papasok naman sa school.

    Oncology unit exam ko nung araw na yun. Nagpatawag pa ng batch meeting kaya karamihan ng nasa school nung araw nay un, Aeolus 2010. 9am natapos yung exam, 10:30am ata natapos yung batch meeting. Medyo magbabaha na sa Greenland (canteen). Sumaglit muna ako ng isang ham&egg sandwich kasi determinado na kami ni Berna na suungin yung baha. Recharge muna kumbaga.

    Nung una ayoko munang umuwi kasi feeling ko naman titila din yung ulan. Pero anak ng tokwa, parang hindi naman! Pataas ng pataas yung tubig. Huking kagat ko sa sandwich ko, nagtanggal na ako ng stockings kasi ready to fight na daw kami. Kasama ko si Berna, Anne at Sherri. Sabi ko sa sarili ko, “Syet adventure to!” Oo seryoso, medyo na-excite pa ako. Haha! Lumusong na kami. Mula sa loob ng school hanggang sa may guard post, hanggang tuhod ang baha. Pero wag ka! Pagtapak ko ng pedestrian lane (na actually e hindi ko na rin talaga makita yung mga guhit nung lane), hanggang legs ko na! Tuloy tuloy lang sa pag tawid. Kala ko susubsob pa ako kasi medyo dinadala ako nung tubig. Medyo ang comical nga kasi naiisip kong magmumuka akong kawayan na inaanod kapag nagpadala ako sa tubig. Haha! Na-reach naming yung UERM hospital. Nag-isip ng konti kung tutuloy pa ba naming to or hindi na kasi mataas na yung tubig. Pero go pa rin. Naglakbay pa rin kami mula UERM hospital hanggang sa may Jollibee. “Oh shit!” sabi ko. Sabi kasi ni kuya dun e hanggang dibdib na daw yung tubig kung tatawid kami mula sidewalk ng Jollibee hanggang overpass. Buti naglagay sila ng bangko dun para makatawid kami. Daan ng SM, basang-basa. Tutulo-tulo pa. Yung harap ko lang ang hindi basa kasi nasa harap ko yung bagpack ko. CR muna. Nag lipgloss muna ako at nagbraid ng buhok. (Malandi eh!) Haha! Joke lang. At sabi kasi sa How to Walk in High Heels na libro (na regalo saken ni Abi nung debut ko), Kelangan kahit distressed ka na, maganda ka pa rin. At kasama sa tips ng librong yung ang pagbraid ng buhok kapag dripping wet ka na dahil sa ulan. Haha! Chineck ko yung loob ng bag ko, medyo basa yung ibabaw ng hand outs ko. Naalala ko si Bob Ong. Sabi niya ok lang daw ang lumusong sa ulan (kahit walang payong. Pero in this case, meron ako. Hiniram ko kay kuya Pinlan na janitor sa school. Nawala ko kasi yung payong ko talaga. Habit ko na yatang manghiram ng payong sa mga ganitong panahon. Nagawa ko na din to dati nung high school. Pakapalan lang talaga ng muka, Haha!), basta nakaplastic ang bag mo. Mabasa na kasi ang lahat wag lang ang gamit mo. At dahil idol ko si Bob Ong, I heeded his advise. Plinastic ko yung mga hand outs ko. Ready to fight na ulit kami.

    Konti na lang, malapit na kami sa LRT 2 station. Pero medyo napaurong kami. Hanggang bewang na daw kasi yung baha sabe ni kuya PLDT/nurse graduate (mantakin mong tanungin kami kung ano ag tawag sa collapse of the lungs sa kalagitnaan ng bagyo? Haha! Pero kuya you’re the best. Sa mga panahong ganito, andami mong pwedeng maging kaibigan. Believe me.) Nauna si Anne. Titignan daw niya kung sobrang mataas na ba talaga yung baha. Malakas loob niya kasi may kasabay siyang friends na batchmate din naming. A e mga 10 minutes na ata e hindi pa bumabalik. Seryoso naisip ko nun na in-abandon kami (no-offense meant here in case you’re reading this entry Anne). Sumunod si Berna, siya naman daw titingin kay Anne kasi baka nilamon na ng baha. Medyo antagal ni Berna. Inisip naming ni Sherri tuloy na lahat ata ng nagpupunta dun nilalamon ng baha. Pero sumilip ata si Berna, go na daw.

    Habang tumatawid ako papuntang Sogo (hindi sa loob ah!), may dumaan na malaking truck. At dahil nga sa aabot na sa bewang ko yung baha, halos natangay ako nung baha! Buti na lang hinawakan ako ni kuya Green shirt ng sobrang higpit. Sabe nya, “’Te tatangayin ka. Hawak ka lang” Napamura talaga ako ng malupit nun kasi if ever na inanod ako, mababasa yung gamit ko at… HINDI AKO MARUNONG LUMANGOY! Yun ang isa kasi sa greatest fear ko. Ang mamatay ng nalulunod. Triny kong matuto kung paano maglangoy last summer pero sabe ng pinsan ko, medyo mahirap daw kasi natatakot akong lumubog sa tubig kaya ang tendency ko eh umaahon ako kaagad. So anyway, “Salamat sayo truck ka!” na lang ang nasabi ko dun sa truck. Taeng pahinante pa niya, nakangiti saken. Mga pasahero nga naman ng truck oo!

    Alam mo naman sigurong nagiging madiskarte ang mga Pinoy kapag gusting kumita ng pera. Para makapunta sa harap ng LRT 2 mula sa sidewalk ng Sogo, sumakay kami sa parang platform na buhat-buhat ng mga 6 na mama siguro yun. 10 piso ang bayad. Pwede na. Enjoy siya in fairness! Nakatayo kami ni Sherri habang nagaganap ang transport naming na kung tutuusin e aabutin lang ng mga 15 – 20 steps kung hindi baha. Haha1 Medyo nahilo lang ako pagkatapos ng “biyahe” pero ok na. Adventure pa rin.

    So pagpanik naming ng station, naghiwahiwalay na kami. May card na sila, ako wala pa! So kelangan kong pumila ng pagkahaba-haba para makakuha ng LRT card. Nakarating na ako ng Pureza. Eto na ang kinatatakutan ko. Nasa UERM pa lang ako, nangangamba na ako sa baha sa Pureza. Mabilis kasi bumaha dun. O e eto na nga. Pagbaba ko ng station, hanggang bewang pa lang yung tubig pero yung mga tao, sa ibabaw na ng side car sumasakay! COOL! Sabe ko gusto ko ma-try yun pero ayaw ma-try ng bulsa ko. Mantakin mong 100 PESOS ANG ISANG KAGAYA KO NA KUNG IISIPIN E PERANG WALA KA NAMANG SAKAY NA TAO DAHIL SA GAAN KO! 95lbs lang to kuya! Grabe ka maningil! So handa na akong suungin talaga yung hanggang bewang nab aha. Buti na lang tinawag ako ng pinsan ko. AKALAIN MONG RUMARAKET DIN PALA SILA! Nanghiram sila ng side car tapos sila yung pumapasada. Bahala na daw ako kung magkano ibabayad ko. So GORA! Pero hindi ako sa bubong nakasakay kahit na mas gusto ko dun. Hindi kasi nila ako nabuhat kasi medyo magulo yung mga ibang sidecar. Andun ako sa loob, dun ako nakaupo sa karaniwang sinasandalan ng mga pasahero, yung paa ko nakatapak sa karaniwang inuupuan. NAPAKATAGAL NG SIDECAR RIDE NA IYON! Sobrang lakas kasi ng alon na sumasalubong samin. SOBRANG NAKAKATAWA PA SILA! ANLALAKAS BUMANAT! Tapos e meron pang naglalakad na may bitbit na DSLR. Idya-dyaryo ata kami. Nakangiti pa ako! Syempre! Hindi ko kasi pangarap na maging damsel in distress no!

    So nakarating din ako ng bahay. AFTER 2 HOURS! Pinasok yung bahay naming pati laundry shop. Basa yung mga machine. Naligo agad ako at kumain ng Pancit Canton na marame!

    A e ang haba pala ng entry na ito no? 3 pages na sa MS Word. Haha! Pero nag-warning naman ako diba? LOL.

    Pero grabe pala talaga yung bagyong yun. 410.6 mm of rain in 6 hours e samantalang yung isang pinakamalakas na ulan sa history ng Pilipinas e 346 or 364 mm of rain in 24 HOURS! (paki re-check. Hindi ko masyado sure yung facts regarding sa last statement). Buti na lang pala tumuloy kami kung hindi na stranded kami sa UERM. Nakita ko sa TV yung video ng UERM hospital. 15 ft of flood holy shit! Hanggang ngayong hindi ko pa alam nangyari kila Berna at Sherri. Tinext ko si Berna pero walang reply. Take note: PASIG SILA NAKATIRA! Oh shit talaga. I hope and pray that they are okay.

    So yan ang adventure ko. Pero I guess hindi adventure ito para sa ibang tao. Hundreds of lives were lost and hundred thousands of families lost almost everything. Let us pray for them. I thank God na sobrang swerte ko at ng pamilya ko dahil minimal damage lang ang nagawa nung bagyo sa amin. Na kumpleto pa kami at may enough na pagkain.

    Our Father in Heaven,

    We humbly pray to you as a nation. We plead to Your merciful heart that You may look upon uswith compassion. We pray for our bothers and sisters who have lost their lives today. Receive them in Your Heavenly kingdom. We pray for those who are lost and those trying to get home to their family. Make their way easy. We pray for those who have lost their homes. Give them comfort. We pray for those who are still exposed to the bad conditions and awaiting help. Give them strength. Everything we do for our unfortunate brethren, we offer to You and Your Glory. All this we pray in the most holy Name of Jesus, Amen.

    --ooOoo--

    Ok lang sila Berna. Ondoy survivors pa rin kami after all. Haha! =)

pReTTy_rAeCheLLe

  • Visit pReTTy_rAeCheLLe's Xanga Site
    • Name: Raechelle
    • Country: Philippines
    • Metro: Manila
    • Gender: Female
    • Member Since: 2/3/2005

Weblog Archives

Don't worry - your calendar is here… to see it in action just click "Save" above and refresh the page.