Sunday, 12 July 2009
-

Currently
Kami nAPO Muna - Tribute to APO Hiking Society - Philippine Music CD
Awit ng Barkada
see relatedInsanity.
Nung 3rd year high school ako, may nabasa akong libro tungkol sa mga baliw. Veronika Decides to Die ni Paolo Coehlo. Maganda siya kaso may mga parts na boring kaya nag-skip ako. Pero puno ng common sense ang librong yun.
Merong linya dun na nagsasabi kung ano talaga ang pinagmulan ng mga insane na tao sa mundo. Meron daw kasing kaharian noon na naubusan ata ng source ng tubig na pinagkukunan nila. Tapos naghanap sila ng other sources. Nakahanap sila ng isang balon. Simula ng inumin nila yung tubig, naging baliw sila. Yung mga hindi pa nakakainom ng tubig, iniisip nila dun sa mga nakinom na nababaliw sila. Pero yung mga nakainom ng tubig, ang iniisip dun sa mga hindi pa nakakainom ng tubig e baliw sila. Bakit? Yung parehong grupo kasing yun, magkaiba ang takbo ng isip. Iniisip nila na baliw ang isa't isa kasi hindi tugma ang takbo ng utak nila.
Napaisip tuloy ako, siguro yung baliw sa kalye, ang tingin sa akin e baliw kasi hindi kami pareho ng takbo ng utak. Samantalang siya, sa tingin niya normal na tao siya. Baket parang ang gulo ng storya ko? Haha! O bahala na. Basahin mo na lang kasi. Pero ipapalabas na rin naman yun. Si Gelar ata yung gaganap na Veronika. Loser ako kasi hindi ko alam ang full name ni Gelar. Basta sikat yun. Yung taga-Hollywood. Jologs kasi ako. So John Lloyd at Sarah Geronimo lang ang kilala ko. Hahaha
O anyway, nagduty kasi ako sa NCMH. Ano yung NCMH? National Center for Mental Health. Oh yeah. Land of the mentally ill.
Actually, nakakatakot siya sa una. ISIPIN MONG IPASOK KA SA LUNGGA NG MGA BALIW ABER? Kaloka. Mas natakot pa ako kasi yung pavilion na naka-assign samen e yung male court cases. Basta yung mga lalaking nagkasala sa batas tapos naaning-aning. Merong mga nang-rape, nakapatay, at kung anu-ano pa. Ano, takot ka na?
Pero hindi naman ng nandun e mga baliw talaga. Yung iba cases ng depression, etc.
Itago natin ang pasyente ko sa pangalang Rene. Pramis. Hindi tunay na pangalan yan. Maayos naman siyang kausap. Pero mapapansin mong may deperensya. Pero kumpara sa ibang pasyente ng mga ka-grupo ko, ok na ako sa pasyente ko. Matinong sumagot at consistent. Halatang ako ang nangogoyo sa kanya at hindi siya sa akin. Oops joke lang.
Alam mo, madaldal naman akong tao. Pero sa pagkakataong ito, naubusan ako ng mga itatanong. Dun mo kasi hahasain ang sarili mo sa tinatawag nating therapeutic communication technique. Eto yung hahayaan mo lang dumaldal ng dumaldal yung pasyente mo para mailabas yung nararamdaman niya. Madalas ko namang ginagawa to sa mga kaibigan ko kahit nung hindi pa ako aware sa technique na ito.
Alam mo bang nung una ko siyang nakausap, yung mga kasama ko naitanong na nila yung rason ng pagkakakulong ng mga pasyente nila samantalang ako, hindi pa. Potek. Natatakot kasi ako. Alam mo yung sa mga pelikula kung saan may eksenang...
Nagtatanong: Ah eh, maitanong ko lang. Bakit ka nga pala nakulong?
Mentally ill: (Nag-reminisce ng mga nangyari. Nagdilim ang paningin. Nakarinig ng mga kung anu-ano. Natakot. Nag-hallucinate. Nag-surge up ulit ang emotions nung nakapatay siya. Nagalit.) AAAAAAHHHHHHH!!!!! (Sabay sakal sa kausap niya.)
The End.
NATATAKOT AKONG BAKA MA-REMINISCE NG PASYENTE KO YUNG ORAS NA NAGDILIM ANG PANINGIN NIYA AT MAG TAKE 2 ANG MGA PANGYAYARI.
Paranoid amp.Dapat yata ako ang ina-admit sa mental. Hahaha!Pero habang tumagal, napalapit ako sa pasyente ko. Gustong gusto ko kapag nakikita ko siyang ngumingiti. Sabi niya kasi malungkot siya doon. Pinapakwento ko sa kanya yung pamilya niya, yung sarili niya, yung mga pangarap niya. At the end of the duty, niregaluhan ko siya ng Milo. Sabi niya kasi laging salabat ang iniinom nila at gusto daw niya ng Milo. Tapos may note pa yung Milo ko. Sabe ko na lagi ko siyang ipagdadasal at huwag niya akong kalilimutan. Nakalimutan niya kasi yung pangalan ko nung minsan. Hehehe.
Alam mo minsan, gusto kong maging baliw minsan. Wala kang problema, wala kang iisipin. Pakiramdam mo, malaya ka at baliw lahat ng tao sa paligid mo kasi iba ang pag-iisip nila sayo. Minsan gusto kong maging bliw, MINUS THE HALLUCINATIONS!
P.S
Pakiramdam ko, meron akong tactile hallucination. Yung pakiramdam mong may gumagapang sayo? Haha! Weird potek. Pero di pa ako baliw. Weird lang. Haha!
Nami-miss ko na yung mga pasyente namin. Narinig ko kasi yung tinuro kong kanta sa kanila sa radyo ngayon ngayon lang. Yung Awit ng Barkada. Tong mga ka-grupo ko wala ng awa saken. Sintunado na nga ako tas ako pa pinagturo ng kanta. Buti na lang hindi bumigay yung mga turnilyo nila sa boses ko. Hahaha!
Post a Comment
- Back to pReTTy_rAeCheLLe's Xanga Site!
- Note: your comment will appear in pReTTy_rAeCheLLe's local time zone: GMT +08:00 (China Coast)



Comments (2)
Nabasa ko na iyong book. Shet, feeling ko mas jologs ako sayo. Atleast alam mong gagawan ng movie. Ako hindi! haha. Gelar? Hmm.. Sarah Michelle Gellar siguro? Di ko lang sure. Pati spelling hindi rin. hahahaha. Bahala na!
Onga noh, baka iyon din iniisip ng mga baliw satin. Kasi diba, lagi nilang sinasabi na hindi sila baliw tapos tayo pa ang tinuturo na baliw tapos tayo iyon din sinasabi. Ack, ang gulo kong kausap, haha.
Aww.. Atleast natulungan mo ang pasyente mo na mag open up kahit papano. Mahirap iyon sa part ng pasyente na isipin iyong mga bagay na mahirap para sa kanyang maisip or maalala man lang pero nagawa mong magshare siya (ng hindi ka sinasaktan, hahaha). Pero seriously, for me you did a good job. :D
@dessa_pinkangel - oo yun nga yata yun! yung sarah! hahahaha!
thanks for the compliment pala. hehehe. sobrang maingat talaga ako sa paglalaita nun grabe. ayokong ma provoke ko yung pasyente dahil sa carelessness.
sana makapunta kayo dun at makainteract! masaya! hahaha