Dear Diary

Sunday, 12 July 2009

  • Currently
    Kami nAPO Muna - Tribute to APO Hiking Society - Philippine Music CD
    Awit ng Barkada
    see related

    Insanity.

    Nung 3rd year high school ako, may nabasa akong libro tungkol sa mga baliw. Veronika Decides to Die ni Paolo Coehlo. Maganda siya kaso may mga parts na boring kaya nag-skip ako. Pero puno ng common sense ang librong yun.

    Merong linya dun na nagsasabi kung ano talaga ang pinagmulan ng mga insane na tao sa mundo. Meron daw kasing kaharian noon na naubusan ata ng source ng tubig na pinagkukunan nila. Tapos naghanap sila ng other sources. Nakahanap sila ng isang balon. Simula ng inumin nila yung tubig, naging baliw sila. Yung mga hindi pa nakakainom ng tubig, iniisip nila dun sa mga nakinom na nababaliw sila. Pero yung mga nakainom ng tubig, ang iniisip dun sa mga hindi pa nakakainom ng tubig e baliw sila. Bakit? Yung parehong grupo kasing yun, magkaiba ang takbo ng isip. Iniisip nila na baliw ang isa't isa kasi hindi tugma ang takbo ng utak nila.

    Napaisip tuloy ako, siguro yung baliw sa kalye, ang tingin sa akin e baliw kasi hindi kami pareho ng takbo ng utak. Samantalang siya, sa tingin niya normal na tao siya. Baket parang ang gulo ng storya ko? Haha! O bahala na. Basahin mo na lang kasi. Pero ipapalabas na rin naman yun. Si Gelar ata yung gaganap na Veronika. Loser ako kasi hindi ko alam ang full name ni Gelar. Basta sikat yun. Yung taga-Hollywood. Jologs kasi ako. So John Lloyd at Sarah Geronimo lang ang kilala ko. Hahaha

    O anyway, nagduty kasi ako sa NCMH. Ano yung NCMH? National Center for Mental Health. Oh yeah. Land of the mentally ill.

    Actually, nakakatakot siya sa una. ISIPIN MONG IPASOK KA SA LUNGGA NG MGA BALIW ABER? Kaloka. Mas natakot pa ako kasi yung pavilion na naka-assign samen e yung male court cases. Basta yung mga lalaking nagkasala sa batas tapos naaning-aning. Merong mga nang-rape, nakapatay, at kung anu-ano pa. Ano, takot ka na?

    Pero hindi naman ng nandun e mga baliw talaga. Yung iba cases ng depression, etc.

    Itago natin ang pasyente ko sa pangalang Rene. Pramis. Hindi tunay na pangalan yan. Maayos naman siyang kausap. Pero mapapansin mong may deperensya. Pero kumpara sa ibang pasyente ng mga ka-grupo ko, ok na ako sa pasyente ko. Matinong sumagot at consistent. Halatang ako ang nangogoyo sa kanya at hindi siya sa akin. Oops joke lang.

    Alam mo, madaldal naman akong tao. Pero sa pagkakataong ito, naubusan ako ng mga itatanong. Dun mo kasi hahasain ang sarili mo sa tinatawag nating therapeutic communication technique. Eto yung hahayaan mo lang dumaldal ng dumaldal yung pasyente mo para mailabas yung nararamdaman niya. Madalas ko namang ginagawa to sa mga kaibigan ko kahit nung hindi pa ako aware sa technique na ito.

    Alam mo bang nung una ko siyang nakausap, yung mga kasama ko naitanong na nila yung rason ng pagkakakulong ng mga pasyente nila samantalang ako, hindi pa. Potek. Natatakot kasi ako. Alam mo yung sa mga pelikula kung saan may eksenang...

    Nagtatanong: Ah eh, maitanong ko lang. Bakit ka nga pala nakulong?

    Mentally ill: (Nag-reminisce ng mga nangyari. Nagdilim ang paningin. Nakarinig ng mga kung anu-ano. Natakot. Nag-hallucinate. Nag-surge up ulit ang emotions nung nakapatay siya. Nagalit.) AAAAAAHHHHHHH!!!!! (Sabay sakal sa kausap niya.)

    The End.

    NATATAKOT AKONG BAKA MA-REMINISCE NG PASYENTE KO YUNG ORAS NA NAGDILIM ANG PANINGIN NIYA AT MAG TAKE 2 ANG MGA PANGYAYARI. Paranoid amp. Dapat yata ako ang ina-admit sa mental. Hahaha!

    Pero habang tumagal, napalapit ako sa pasyente ko. Gustong gusto ko kapag nakikita ko siyang ngumingiti. Sabi niya kasi malungkot siya doon. Pinapakwento ko sa kanya yung pamilya niya, yung sarili niya, yung mga pangarap niya. At the end of the duty, niregaluhan ko siya ng Milo. Sabi niya kasi laging salabat ang iniinom nila at gusto daw niya ng Milo. Tapos may note pa yung Milo ko. Sabe ko na lagi ko siyang ipagdadasal at huwag niya akong kalilimutan. Nakalimutan niya kasi yung pangalan ko nung minsan. Hehehe.

     

    Alam mo minsan, gusto kong maging baliw minsan. Wala kang problema, wala kang iisipin. Pakiramdam mo, malaya ka at baliw lahat ng tao sa paligid mo kasi iba ang pag-iisip nila sayo. Minsan gusto kong maging bliw, MINUS THE HALLUCINATIONS!

     

    P.S

    Pakiramdam ko, meron akong tactile hallucination. Yung pakiramdam mong may gumagapang sayo? Haha! Weird potek. Pero di pa ako baliw. Weird lang. Haha!

    Nami-miss ko na yung mga pasyente namin. Narinig ko kasi yung tinuro kong kanta sa kanila sa radyo ngayon ngayon lang. Yung Awit ng Barkada. Tong mga ka-grupo ko wala ng awa saken. Sintunado na nga ako tas ako pa pinagturo ng kanta. Buti na lang hindi bumigay yung mga turnilyo nila sa boses ko. Hahaha!

Saturday, 27 June 2009

  • Hourglass.

    "Learn to trust the perfect time so that you may discover that all the pain found in waiting has a magnificent and awesome purpose.

    In God's time, you wil fall inlove for the right reason with the right person.

    When that time comes, love will be worth the wait, the tears and the pain.

     

     

    Then you'll forget that you ever waited."

     

    -oo na. Patience is a virtue.

Friday, 26 June 2009

  • Another open letter -- to my future husband.

    So okay. Nakigaya lang ako. Nakita ko to sa isang Asian blog dito sa xanga. =p

     

    To my ever dearest shooting star,

    Before anything else, I want to thank you for MARRYING ME. Haha! You don't know how much I have waited for the day to come in where I would be strutting down the aisle with a pretty white dress and finally coming home to someone who would be strong and courageous enough to live forever with me. And just so you know, I marry people (nah, not people really. haha!) because I love that person so much. Do the math, honey.

    Spending forever is no joke, really. Especially with me. I don't mean to freak you out, scare you or anything but its just that I'm not always easy to begin with. I do get terrible mood swings (especially when my hormones are torturing me), don't really know how to cook except for stuffs like instant noodles, eggs, corned beef and hotdogs, tend to get the house messy because of being too lazy && spend a lot of money especially with a credit card on hand. But babe, thank you for sticking with me. You probably don't know how much it means to me. And I guess you really love me for holding on this long. Haha!

    Iloveyou and I guess I forever will. Despite of the monster, immaturity and stupidity in me, thank you for taking the greatest risk of your life by spending your forever with me. I thank God every single day for having you in my life. Though I am not that expressive, I hope you would still believe me when I say iloveyou, 'coz I really do.

     You are my happiness, my shooting star, my knight in shining armor, my PeterPan, my moment of bliss, my heaven on Earth. 

    And I guess you will forever be.

    xoxo,

    Raechelle

     

Thursday, 25 June 2009

  • Over?

    Hindi ko maintindihan kung bakit ang mag syota, kapag naghiwalay, e nagkakalimutan na. Siguro kasi hindi pa ako nagkakaboyps kaya hindi ko maintindihan. Pero kung iisipin mo, hindi mo naman forever makakalimutan ang isang tao -- lalo na kung may pinagsamahan kayo.

    Kung magkakaboyps man ako at maghihiwalay kami for some reason, mas gugustuhin ko sanang maging magkaibigan kami pagkatapos. Yun e kung maaari lang naman. Hindi dahil sa malandi ako at naniniwala akong love is lovelier the second time around (pero pwede rin. hahaha!) pero kasi, nakakahinayang yung relationship na nabuo namin. Kung hindi man mag end up yun as love, at least as friends. Diba kapag sinabing relationship hindi lang naman tungkol sa love yun? Pwedeng kaibigan, family or kahit anong koneksyon. Sayang yung pinagsamahan nyo. Kaya mo bang itapon na lang basta basta yung mga good memories MO? Kahit gusto mong itapon kasi nasasaktan ka kapag naaalala mo, I bet hindi mo completely makakalimutan yun. Kasi isa yun sa mga moments of bliss mo. At least at one time in your life, you felt happiest above anyone else, at naging masaya ka kasi pinili mo nun na maging masaya. Ang hirap ata itapon ang ganong memory. Parang nagtapon ka ng chocolate -- na hindi ko kayang gawin pwera na lang kung expired na.

    Pero kung nalulungkot ka pa rin kapag naaalala mo yung happy memories nyo na iyon at lalo mo lang siyang nami-miss at naiisip mo na sana marami pang ganong memories na mangyare sayo, I suggest na mag-move on ka muna. Mas masarap alalahanin yung masasayang memories ng alam mo sa sarili mo na tanggap mo na lahat at everything happened for a reason.

    NOTE TO HIM:

    Kung nagawa mo man akong kalimutan sa buhay mo ngayon, well, its your loss no. Kasi ikaw hindi kita nakalimutan kasi kahit papano, naging masaya ako nung meron pa tayong koneksyon. Hindi ko kayang itapon yung happy memories naten kase nagiging masaya ako kapag naaalala ko yun. Ikaw talaga ang may loss. Kung nakalimutan mo na ako, pag tinanong ka ng "Who is your first love?", may maisasagot ka ba? Hahaha. =p

    Pa-invisible ka pa sa Y!M e nahuhuli ko naman. Ahahaha!

Saturday, 20 June 2009

  • Deadly as venom.

    Hindi ako magaling magsinungaling. Maniwala ka. Hindi talaga. Kung kilala mo ako, malalaman mo kaagad kung nagsisinungaling ako o hindi. Kapag sinusubukan kong magsinungaling, madalas hindi talaga ako makatitig ng diretso sa mata at nagi-i-stammer ako. Lalo na pag sa harap ng magulang ko. Kaya bihira talaga ako magsinungaling.At isa pa, ayoko kasi ng sinungaling. Ayoko ng pinagsisinungalingan ako. Do not do unto others what you don't want others to do to you nga diba? Feeling ko, kaya kong tumanggap ng katotohanan kahit gaano kasakit yun. Una kasi, yun yung katotohanan, e anong magagawa mo? Hindi mo naman mababago kung ano man yun. Pangalawa, ampanget ng pakiramdam kapag nabubuhay ka sa kasinungalingan. Yung akala mo totoo lahat pero malalaman mo na lang in the end na muka kang tanga sa paniniwala sa bagay na hindi naman totoo. Parang niloloko mo lang yung sarili mo. Mahirap yun. Muka kang tanga. Pangatlo, truth will set you free. Kahit ano pa yan, masakit man o hindi, masarap pa rin yung pakiramdam na wala kang tinatago at hindi mo kelangang mag-pretend.

    The truth hurts, but lies kills. They act like venom. Slowly but surely.

     

    Pero, magaling akong umarte.

    Sabe ng zodiac sign ko (HAHAHA!), magaling daw talaga umarte ang mga kagaya ko. Pwede daw pang-theater talaga. Medyo naniniwala naman ako dun. Kumportable ako sa pag-acting. Siguro kasi empathic akong tao kaya nadadalian ako.

    Ano ang point ko?

    Hindi ako magaling magsinungaling pero magaling akong umarte. Magkaibang bagay yun pero pareho ng epekto. Pero syempre, bihira ko lang ginagamit yan. Kasi nabubuko din naman ako bandang huli. Salamat sa maingay kong bibig. Haha!

     

    Pero eto lang ha. Pag sinabe kong totoo, totoo yun. Kung nagsinungaling man ako sa isang tao, isa lang ang rason ko. Kase pakiramdam ko mas makakabuti na gawin ko yun sa oras na yun. Bandang huli, sinasabi ko rin naman ang totoo, kapag alam kong handa na siya para doon. Pero tulad ng sinabe ko, sobrang bihira lang yan. Kasi mas gusto kong nalalaman ng mga tao kung ano yung totoo. Pakiramdam ko kasi, nanloloko ako ng tao pag nagsisinungaling ako sa kanila. At ayoko nun. Kasi ayokong gawin din sa akin yun. =p

pReTTy_rAeCheLLe

  • Visit pReTTy_rAeCheLLe's Xanga Site
    • Name: Raechelle
    • Country: Philippines
    • Metro: Manila
    • Gender: Female
    • Member Since: 2/3/2005

Wait a minute. (5)

  • http://www.plurk.com/p/146pe1
  • Sabi sa 103.5 Maxfm, Marijuana ang kelangan ko para tumaba. Lol. Pag desperada na ako, sige. Haha!
  • I think I love him. Hahaha.
  • Akalain mong naipasa ko ang l intik na oxygentation exam? Haha! 2.50 baby! Yeah! Oo na ambaba. Pero try mo kunin ang test na nakuha ko. Sasaya ka na kahit ganyan ang grade mo.
  • Simula January 7, 2005, nakaka 251 entries na ako and still counting. Akalain mo nga naman.

♥Recent Entries♥

Ex-links?

wordpress com stats plugin